Wikang Filipino Tatak Ng Pagka Pilipino Essay

-->

Buwan ng Wika Slogans

Hi there students! And hi there people! Due to your urgent demand, I'll be making here a compilation of slogans for the Buwan ng Wika.
I will first create some sample of slogans related with the theme. You can make your own slogans and we all add them in the list below. Your name will be included at the last part of your slogan.

 

List of Buwan ng Wika Slogans

  1. "Kung manhid ka sa pagpapahalaga sa wikang Filipino, ipinagkakanulo mo ang iyong pagka-Filipino" - khen
  2. "Ang Tunay na Filipino, May Mataas na Pagpapahalaga sa Wikang Filipino" - khen
  3. "Sa paglipas ng panahon, ang tunay na Filipino ay lalong tumatatag sa pagpapahalaga sa Wikang Filipino" - khen
  4. "Hindi ka tunay na Filipino, Kung Sobrang Hina ng Pagpapahalaga mo sa Wikang Filipino" - khen
  5. "May dugo kang Filipino, kung isinasapuso mo ang Wikang Filipino" - khen
  6. "Palakasin ang identidad-Filipino, Isapuso at Salitain Lagi ang Wikang Filipino" - khen
  7. "Aanhin mo pa talino mo kung wikang filipino di mo kabisado maigi pang maging mangmang kaysa maging matalinong utal" - kevin ryan.
  8. "Isapuso ang Wikang Filipino,ito ang magpapatatag sa ating pagkapilipino." - RediahxD
  9. "Pagkakaisa't mithiin ay mararating kung iisang wika ang gagamitin" - meliz
  10. "Palakasin ang sariling wika upang matamo ang katatagan ng bansa." - Nayasuh
  11. "Nakasalalay ang kaunlaran ng isang bansa sa tatag ng wika." - Divina Amor Acain
  12. "Wikang filipino pahalagahan at gamitin , sandata ito sa pagiging matatag natin" - Divina Amor Acain
  13. "Wikang filipino ating sandata upang tayo'y umunlad at yumabong na parang isang puno ating ingatan ating pagkapilipino dahil ito'y sandata sa magulong mundo" - Ma Natalie I. Enriquez
  14. "Kung sa wikang Filipino nakamit ang kasarinlan, anupa't sa wikang Filipino din makakaahon ang bayan." - Maria Teresa Cuadra
  15. "Wikang Filipino ay gamitin para sa iisang mithiin" - bea
  16. "Marami man ang wika sa mundo, wikang Filipino ay matatag at buong- buo." - enzo miguel marty
  17. "Mahalin ang sariling wika, upang umunlad ang sariling bansa." - Reizar Tayao
  18. "Wikang Filipino ay ipagbunyi, Dahil Pilipino ang ating Lahi" - Edison Biscaro
  19. "Bayang Pilipinas ay hindi malaki, ngunit wika dito ay pinagmamalaki ng mga Pilipinong dito lumaki" - riaangella
  20. "Ang wika ay siyang espada nating mga Pilipino, Siyang sandata sa sa pakikibaka sa mundo. Ang wikang bigay, gamit ko, Landas at tanglaw sa mundong kay gulo." - by Whilma Masangcay Abanador
  21. "Tibay, Lakas at Tatag ang siyang sumasagisag ng wikang Filipinong maunlad" - by reynante . gaufo
  22. "Tibay ng Pagka-Pilipino na siyang lakas at tatag at patuloy na sumasagisag sa wikang filpinong tunay na maunlad." - by reynante gaufo
  23. "Wikang Filipino, kanta ng demokrasya, tula ng kaunlaran at sigaw ng kalayaan." - Lawrence
  24. "Wikang Filipino ating gamitin upang tumatag ang bansang atin" - kim
  25. "Ang wika ay tanging daan, Tungo sa pagkakaunawaan." -  mark anthony nungay
  26. "Mahalin ang wikang filipino dahil itoy galing pa sa ating mga ninuno" - rechelle
  27. "Wikang Filipino gamitin sa talino upang magkaisa't umunlad ang sambayanang pilipino" - nadz
  28. "Tibay ng Pagka-Pilipino na siyang lakas at tatag at patuloy na sumasagisag sa wikang filpinong tunay na maunlad" - reynante . gaufo
  29. "Tibay, Lakas at Tatag ang siyang sumasagisag ng wikang Filipinong maunlad" - reynante gaufo
  30. "Wikang filipino gamitin sa talino upang magkaisa't umunlad ang sambayanang pilipino" - nadz
  31. "Mahalin ang wikang filipino dahil itoy galing pa sa ating mga ninuno" - rechelle
  32. "Ang wika ay tanging daan; Tungo sa pagkakaunawaan" - mark anthony nungay
  33. "Wikang Filipino ating gamitin upang tumatag ang bansang atin" - kim
  34. "Wikang Filipino ay gamitin tungo sa kaunlaran ng bayan natin" - lee jay kilaton
  35. "Wikang Filipino ay gamitin para sa iisang mithiin" - kate
  36. ''Ang Edukasyon ay mahalaga upang buhay ay guminhawa."- Niel
  37. "Wikang Filipino ay namumukod tangi, Kayaman at tatak nitoNg ating lahi, Kaya't wag hayaan na itoy maduhagi, Sa halip, pagyamanin at ipagpunyagi." - by sharlyn lachama
  38. "Wika mo, wika ko wika nating lahat wikang filipino atin pang iangat" - by jonseth
  39. "Wika natin laban sa katiwalian dahil tayo'y masaya kahit di mayaman" - by PJ
  40. "Pilipinas ang bansa mo, Pilipino ang lahi mo, Filipino dapat ang wika mo!" - Steph Nodado
  41. "Wikang Pambansa, payabungin, pagyamanin, saan ka man makararating." - Steph Nodado
  42. "Wika nilinang mo ang makataong kaisipan, Pinag-unlad at pinagyaman, sa pagbabago at kaunlaran, Pambansang Wika ang naging dahilan." - Gerald Cabesas
  43. "Wikang pambansa ating gamitin, saan man makarating." - Venice Aira Montañez
  44. "Ating mahalin at bigyang halaga mga kalikasan pinaubaya at wikang ipinamana." - Mary Jose Sore
  45. "Wikang Filipino; wikang sinilangan, hindi dapat talikuran ating kinalakhan; Pagmamahal sa bayan dapat patunayan, Filipino ay ipagmalaki humantong man sa kamatayan." - Mac Larry Celebre
  46. "Wika ng karunungan ay pagyamanin, dahil saan man magpunta ay dadalhin" - by acilegna
  47. "Gamitin ang wikang kinagisnan, Sa pagkakaisa ng sambayanan." - by nino
  48. "Wikang Filipino ang siyang ating sining, Mga Pilipinong wari'y bituing nagniningning" - Jairoz Soria
  49. "Ating wika'y tangkilikin, sapagkat saanman magpunta ito'y iyong dadalhin." - by Kurt
  50. "Wikang kinagisnan tungo sa pag-unlad ng bayan." - by Aiza Cuartiro
  51. "Bansang umuunlad, Wika ang naglalahad." - by NILO
  52. "Tatag ng wikang Filipino, tatak ng bansang matalino." - by NILO
  53. "Wikang kinagisnan, masa ang puhunan." - by NILO
  54. "Sama-samang sa pag-asenso, wikang Filipino ang siyang magbabago." - by NILO
  55. "Isang wika, isang bansa, ito ang bagong simula." - by NILO
  56. "Wikang Filipino Gamitin sa Talino, Isapuso't Isaisip Pahalagahan ang Wika ng ating Lahing Pilipino." - by Austin John S. Sanguillosa
  57. "Wikang Filipino Iyong Yakapin, Uunlad itong Bayan Natin." - by jeh valenzuela
  58. "Wikang Filipino: Bigkis ng Pagkakaunawaan at Sandata ng Mamamayan Patungo sa Kaunlaran". - by Nixon Norieste
  59. "Wika ang nagsilbing teleskopyo sa pagtuklas ng pagbabago; Ang karunungang natamo, sa progreso patungo." - by Yellow
  60. "Wikang Filipino, Susi sa Pagbabago" - Yuks
  61. "Wikang Tagalog Ay Ating Isapuso't Isip Sapagkat Ito ang Sumisimbolo ng ating Pagka-Pilipino at Pagmamahal sa Pilipinas" - Jaymee Chua
  62. "Wikang Filipino ating payabungin kung hindi tayo, sino ang asahan mo?" - Anonymous
  63. "Ang wika ay paraan ng ating komyunikasyon upang tayo ay magkaintindihan at upang tayo ay magkaisa" - Arvi
  64. "Be the next to put your slogan here..." - your name

Do you have any slogans out there? Make your own slogan and we will be happy to add them here in the above list.

Share This Post

If you like this article, we would really appreciate if you share this on Facebook, Twitter, or on any social media channels. Every share makes a huge difference and helps us write more articles like these. Thank You!

 

"Buwan ng Wika Slogans" was written by admin under the Literature category. It has been read 290867 times and generated 258 comments. The article was created on 30 August 2016 .

Warning! When posting comments, strictly observe correct spelling. Avoid incomplete words such as TY (as Thank You), Pls as Please, gud as good, dpt as dapat, etc. You can comment in English or Tagalog. If you will not follow this simple instruction, your comment(s) will not be accepted or published.

Total comments : 258
LeiAnne   (22 November 2017 3:32 PM)

Ang mga Pilipino ay taas-noong ipinagmamalaki ang Pilipinas


Darryl Padero   (13 August 2017 1:22 PM)

Mahalin ang sariliting atin, Wikang Filipino'y lubusang gamitin.


Yuks   (01 August 2017 9:01 AM)

Wikang Fikipino, susi sa pag babago.


Jaymee Chua   (31 July 2017 5:27 PM)

Wikang Tagalog Ay Ating Isa Puso't Isip Sapagkat Ito Ang Sumisimbolo Ng Ating Pagka-Pilipino At Pagmamahal Sa Pilipinas


Anonymous   (10 July 2017 6:44 PM)

Wikang Filipino ating payabungin kung hindi tayo, sino ang aasahan mo?


Arvi   (01 July 2017 8:06 AM)

Ang wika ay paraan ng ating komyunikasyon upang tayo ay mag ka intindihan at upang tayo ay magka isa


Arvi   (01 July 2017 8:00 AM)

Oo, sumasang ayon ako.


Tan   (30 June 2017 6:22 PM)

Oo,sumasang-ayon ako


Cath   (30 June 2017 6:05 PM)

Wikang Filipino, simbolo ng bayan ko.


Michelle rapada   (29 June 2017 7:08 PM)

Ang wikang pambansa ay dapat natin pahahalagahan at igalang upang pagyamanin ito.


Earl Sydney   (18 September 2016 1:26 PM)

Diyalogo tungkol sa Pagkakaunawaan


reynante camaya   (05 September 2016 3:16 PM)

pahalagaan ang wikang pilipino


liza mel baylon   (30 August 2016 5:59 PM)

Wikang pilipino paunlarin,wag sirain...♥♥♥★★★:-):-):-)


Yellow   (28 August 2016 9:01 PM)

"Wika ang nagsilbing teleskopyo sa pagtuklas ng pagbabago; Ang karunungang natamo, sa progreso patungo."


zshaneah   (27 August 2016 7:38 PM)

ang wika ay atin gamitin.


zshaneah   (27 August 2016 7:37 PM)

ang ganda ng wika


zshaneah   (27 August 2016 7:36 PM)

wika ay pagyamanin ito'y sariling atin.


zshaneah   (27 August 2016 7:34 PM)

karunungan ang sandata at susi sa pag-unlad ng ating bansa


zshaneah   (27 August 2016 7:33 PM)

Wikang pilipino pairalin Huwag sirain.


bryan   (27 August 2016 3:21 PM)

PAMBANSANG WIKA DAPAT NATING PAHALAGAHAN DAHIL ITOY SARILING ATIN


Austin John S. Sanguillosa   (25 August 2016 7:46 PM)

Wikang Filipino Gamitin sa Talino, Isapuso't Isaisip Pahalagahan ang Wika ng ating Lahing Pilipino


Hannah Shaine   (25 August 2016 7:35 PM)

Ang Pilipinong hindi marunong magmahal ng sariling wika ay ang Pilipinong lumaki sa ibang bansa


aaron   (25 August 2016 3:02 PM)

ang wikang kinalimutan ay hindi makakapunta sa paroroonan


jeh valenzuela   (24 August 2016 7:21 PM)

Wikang Filipino Iyong Yakapin, Uunlad itong bayan natin.


Nixon Norieste   (23 August 2016 5:51 PM)

Wikang Filipino; Bigkis ng pagkakaunawaan at Sandata ng mamamayan, Patungo sa kaunlaran.


Mary jean   (20 August 2016 3:52 PM)

Wikang pilipino ay mahalin huwag maging dayuhan sa sariling wika natin.


Charlie   (17 August 2016 10:26 PM)

Ang wika ay parang pagmamahal, gagawin mo ang lahat para ito`y pahalagahan.


Nicole   (16 August 2016 6:14 PM)

Wika natin ating gamitin dahil ito ay ating dadalhin saan man tayo makarating.


hane   (13 August 2016 4:05 PM)

wikang filipino ang gamit ng mga filipino


nheng   (13 August 2016 11:13 AM)

maraming salamat po


123...89»

Buwan ng Wika sa Capitol University

by

 JUNREL R. PEREWPEREW

CHERRY LIBRADO

            “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; Kaya ating pagyamaning kusa, gaya nang inang sa atin ay nagpala,” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

            Ang wika ay sinasabing kaluluwa na nagbibigay buhay sa isang bansa. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpapabago at humuhubog sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

            Buwan ng Agosto, buwan ng pagdiriwang ng Wikang Filipino. Sa taong ito, ang pagdiriwang ay may paksang-diwa na : “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino”. Marahil ito ay naiintindihan ng karamihan sa atin sa literal nitong kahulugan. Datapwat, hindi ito magiging produktibo kung hindi aalamin at pag-iibayuhin ang pagkilala at pag-alala sa  Wikang Filipino.

            Nagkaroon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Pamantasan ng Capitol sa pangunguna ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham. Nagkaroon ng iba’t ibang paligsahan kagaya ng sayawit, harana, pagsulat ng sanaysay, talumpating walang paghahanda, pagguhit at tagisan ng talino. Ang mga gawaing ito ay hindi lamang naglalayong manghimok sa mga mag-aaral na dumalo kundi nagsilbi itong pagkakataon upang sariwain sa puso’t isipan ng mga mag-aaral ang kasaysayan , kultura, tradisyon ng mga Pilipino.

            Ang katotohanan, ang mga kabataan sa kasalukuyan ay mas alam ang mga kaganapan sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan. Marahil, isang katotohanang pagkakaroon ng mga Pilipino ng “ Identity Crisis” . Hindi na nila alam at hindi narin tinangkilik ang sariling tatak pinoy. Mahirap , sapagkat kung mismong ang henerasyon ngayon ay hindi na batid ang sariling pagkakakilanlan, ano pa kaya ang susunod?

            Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika dahil talagang nakilahok ang mga mag-aaral sa pagsali sa ibat ibang mga patimpalak. Ang iba’t ibang Kolehiyo na sumali ay ang Kolehiyo ng Nursing, Midwifery, Criminology, Education, Computer Studies, Maritime Education, Business Administration at  Kolehiyo ng mga Sining at Agham. Kitang –kita ang galak sa mukha ng mga manonood dahil sa kasiyahang dulot ng mga nagsipaghandog sa entablado.

             Sa kabuuan, ang hinirang na pangkalahatang kampeon ay ang Kolehiyo ng Edukasyon. Napanalunan nila ang paligsahan sa sayawit, talumpating walang paghahanda, harana, pagguhit at tagisan ng talino. Isa itong malaking karangalan sa Kolehiyo.

             Ang pagtatapos ng Buwan ng Wika ay may nais na ipabatid sa lahat ng kabataan. Dapat nilang pakatandaan na ang pagmamahal sa ating inang wika ay hindi nangangahulugan ng pagtakwil sa salitang banyaga o pagpigil na matuto ng ibang wika. Huwag lang nating itakwil at kalimutan ang ating inang wika dahil dito tayo nagmula at bahagi na ito ng ating kasaysayan.

MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!

0 Thoughts to “Wikang Filipino Tatak Ng Pagka Pilipino Essay

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *